Ang
Cremation ay isang paraan ng pagdi dispose ng bangkay kung saan ang labi ng
isang namatay ay sinusunog hanggang maabo, na ang abo ay inilalagay sa isang
lalagyan o kaya naman ay isinasaboy sa lupa o sa dagat o ilog.
Kaya
di naiiwasang itanong ng iba, kung ang mga kaanib raw ba sa Iglesia Ni Cristo
ay nagke Cremate din ng labi ng kanilang mga kaanak?
Ang
Pagsusunog ba ng Bangkay o Cremation ay gawain ng mga Lingkod ng Dios?
Alamin
natin mula sa Biblia, nang mamatay ang mga Lingkod ng Dios, ano ang ginawa sa
kanilang bangkay?
SA
PANAHON NG MGA PATRIARKA:
Nang
mamatay si Sara na asawa ni Abraham siya ay inilibing ...Gen.23:19
AT
ng mamatay si Abraham ang kanyang bangkay gaya ng ginawa kay Sara ay inilibing
din ...Gen.25-7-10
Ganon
din ang ginawa sa mga buto ni Jose na kanilang inilabas sa Egipto at ang mga
buto ay inilibing sa Sichem... Josue 24:32
Sa
Panahong ito ng mga Patriarka o mga Magulang ang paraan ng pag di dispose ng
bangkay ay sa pamamagitan ng Paglilibing at Hindi sa pamamagitan ng Pagsunog o
Cremation.
PANAHON
NG MGA PROPETA:
Ano
rin ang kaugalian ng mga Israelita tungkol sa pagdi dispose ng bangkay?
Nang
mamatay si Josue siya ay inilibing ... Josue 24:29-30
Si Moises ng mamatay ay mismong ang Dios ang naglibing sa kanya sa Moab ... Deut. 34:5-6
Si Haring David ng mamatay ay inilibing din ... 1 Hari 2:10-12
Na
sa paglilibing ay iniimbalsamo o nilalagyan ng balsamo ang bangkay gaya ng
ginawa sa bangkay ni Jacob ... Gen. 50:2
Ang
Paglilibing ba sa bangkay ay nagpatuloy hanggang sa Panahong Cristiano?
SA
PANAHONG CRISTIANO:
Nang
mamatay si Lazaro na kaibigan ng Panginoon ang kanyang katawan ay inilibing sa
isang libingan ...Juan 11:38.
Nang mamatay naman ang Panginoong Jesucristo siya ay inilibing din na ginamitan ng pabango o balsamo ... Juan 19:40
Kaya
mula pa noong una sa panahon pa ng mga Patriarka hanggang panahong Cristiano
ang mga bangkay ay inililibing na siyang paraan ng pag didispose sa mga labi ng
kanilang kaanak at di ginawa ang Cremation.
May
naitala po ba sa Biblia na pagsusunog ng bangkay o cremation sa panahon noon?
May
naitalang pagsusunog ng bangkay na ginawa ng taga Jabes-Galaad, ang ginawang
pagsunog sa bangkay nina Saul at ng kanyang mga anak na pagkatapos sunugin ang
mga buto ay inilibing sa ilalim ng isang puno...I Sam. 31:12.
Bakit
sinunog nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak? Sapagkat ng makuha
nila ang mga bangkay sa mga kuta ng Filisteo ito ay nabubulok na kaya upang di
mawalan ng karangalan ang kanilang hari ito ay kanilang sinunog at ang mga buto
ay inilibing sa ilalim ng isang puno.
Kaya
di maaaring gawing halimbawa ang pagsunog sa bangkay nina Saul para sabihing
ang Cremation ay pinahihintulotan ng Biblia. Sinunog iyon dahil hinihingi ng
pagkakataon.
Kaya
sa Iglesia Ni Cristo ang paraan ng pagdi dispose ng bangkay ay sa pamamagitan
ng paglilibing at hindi Cremation. Hindi gawain ng mga Lingkod ng Dios ang pag
Cremate ng bangkay.
Bakit
ang Paraang paglilibing ay di marapat baguhin? Ano ba ang ina aninuhan ng
gawang Paglilibing? Ito ay Anino ng ginagawang Pagbabautismo sa Panahon natin.
Sa Roma 6:4:
"Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay."
(invictus)
No comments:
Post a Comment