Greg F. Nonato
Ang The Catholic Encyclopedia ay nagsasabing:
“For nowhere in the Old Testament do we find any clear
indication of a Third Person.” (vol. XV. P. 49)
Sa Pilipino:
“Sapagkat
saan man sa Matandang Tipan ay di tayo makakasumpong ng malinaw na palatandaan
na may ikatlong Persona.”
Ang alinmang bahagi ng buong Biblia ay hindi nagpapatunay na may
ikatlong Persona. Wala ring mababasa na ang Espiritu Santo ay isang Persona na
tinatawag na Trinidad. Wala ring katibayan mula sa Biblia na ang Espiritu Santo
ay isang Diyos o kapantay ng Diyos. Kaya, ang Trinidad ay hindi matatagpuan sa
Biblia.
Kung ang Trinidad ay hindi aral ng Biblia, paano
nagkaroon ng aral ukol dito? Ang Encyclopedia Britannica, Micropaedia, ay
nagpapahayag na:
“The doctrine
developed gradually over several centuries and through many controversies.” (Vol. X, p. 126).
“Ang
doktrina [Trinidad]unti-unting nabuo sa pagdaraan ng ilang siglo sa pamamagitan
ng maraming pagtatalo.”
Si Cristo ay matagal ng nasa langit at matagal nang patay ang mga Apostol
nang mabuo ang doktrina ng Trinidad. Kaya, walang kinalaman si Cristo at ang
mga Apostol sa pagkakabuo nito. Sa loob ng ilang siglo pagkatapos pumanaw ang
mga Apostol naging paksa ng mga pagtatalo ang ukol sa kalagayan ni Cristo. Sa
pangamba ng Emperador Constantino na ang mga pagtatalong ito ay magbunga ng
pagkakahati ng kaniyang imperyo ay nagpasiyang tumawag ng isang kapulungan na
ito ay ginanap sa Nicea noong 325 na dinaluhan ng mahigit na 300 mga obispo.
Pinatutunayan ng halos lahat ng kasaysayan na si Constantino ang nangulo sa
kapulungan o konsilyong ito sa Nicea at dito ipinasya na si Cristo ang tunay na
Diyos. Pinatutunayan ito ng isang aklat Katoliko:
“1. Unang
Pangkalahatang Concilio ng Nicaea, 325
“Ginanap sa Nicaea sa Asia Minor noong 325 ang unang
pangkalahatang concilio. Ito ang mga panahong nahaharap ang simbahan sa
suliranin ng arianismo o erehiyang Kristolohikal ni Arius. Dito’y itinuro ng
Simbahan na si Kristo’y tunay na Diyos at tunay na tao at kaisa (homoousios) ng
Ama.” (Ang Aral ni Kristo, p 646.)
Dapat din nating bigyan ng pansin na sa Konsilyo ng Nicea
ay walang binabanggit ukol sa Espiritu Santo. Hanggang sa panahong yaon ay
hindi pa nabubuo ang doktrina ng Trinidad. Noon namang 381 A.D., si Emperador Teodosio ang nanawagan
sa mga Obispo na nagpulong sa Constantinopla. Sa Konsilyo ng Constantinopla
ipinahayag na ang Espiritu Santo ay kapantay ng Diyos at noon lamang nabuo ang doktrina Trinidad;
“..Theodosius
organized the Council of Constantinople in 381 to restore the Nicean position,
the opposition had disintegrated. (The Council declared the Holy Ghost of the
same substance as Father and Son and so completed the official trinity “one God
in three person”).” (The Ancient History of Western Civilization, pp. 209-210)
Nasa langit na si Cristo at matagal nang pumanaw ang mga
Apostol nang mabuo ang doktrina ng Trinidad. Ang may kinalaman sa pagbuo ng
doktrina Trinidad ay ang mga paganong emperador na sina Constantino at
Teodosio. Mayroong kayang karapatan ang mga paganong ito sa pagbuo ng doktrina?
Wala!
Ang Trinidad gaya ng ating natunghayan ay walang saligan
sa Biblia. Sa Trinidad, si Jesus at ang Espiritu Santo ay tunay na Diyos at
kapantay ng Diyos. Ang aral na ito ng Trinidad ay ibang iba sa itinuturo ng
Biblia. Ang Biblia ay nagtuturo na ang Diyos ay higit na dakila kaysa kay
Cristo at sa Espiritu Santo. Dahil dito, ang doktrina ukol sa Trinidad ay hindi
dapat paniwalaan.
TALATUNTUNAN
Hickerman,
Elias and Morton Smith.
The Ancient History of
Western Civilization.
Harper & Row Publishers,
1978
The
Catholic Encyclopedia, Vol. XV, New York:
The
Encylopedia Press, Inc. 1913.
The New
Encyclopedia Britannica, vol. X
Miropaedia, U.S.A.:Encyclopedia
Britannica, Inc.,
Valenzuela,
Bayani. Ang Aral ni Kristo:
Isang
Katesismong Katoliko, 1978