Pero sa mga katanungan at opinyon na ito, bakit nga ba talaga? Ano nga ba ang talagang dahilan bakit ang mga Iglesia Ni Cristo ay hindi nakikiisa sa paggunita ng mga namatay na mahal sa buhay tuwing Nobyembre 1? At bakit hindi rin sila nakikisama sa mga kaugalian tuwing halloween?
Narito ang ilan sa mga dahilan:
- Ang pagdiriwang ng araw ng patay at halloween ay mula sa mga pagano.
- Ang mga aral na ito ay taliwas sa tinuturo ng Biblia.
- Ang pagdiriwang ng araw ng mga patay at halloween ay wala sa Biblia at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano.
- Magulo ang aral na ito, Araw ng mga Patay pero "ARAW NG MGA SANTO" ang Nobyembre 1.
Talakayin po natin isa isa ang mga ito.
HALLOWEEN
"Halloween or Hallowe'en (a contraction of All Hallows' Evening), also known as Allhalloween, All Hallows' Eve, or All Saints' Eve, is a celebration observed in a number of countries on 31 October, the eve of the Western Christian feast of All Hallows' Day. It begins the three-day observance of Allhallowtide, the time in the liturgical year dedicated to remembering the dead, including saints (hallows), martyrs, and all the faithful departed". source: wikipedia
Kailan ito sinimulan na ipagdiwang, at saan ito nagmula?
Basahin natin ang pagbubunyag ng paring katoliko na si Fr. William Saunders:
"Now for the halloween connection: Nov. 1 marked Samhain, the beginning of Celtic winter. (The Celts lived as early as 2,000 years ago in England, Scotland, Wales, Ireland and Northern France.) Samhain, for whom the feast was named, was the Celtic lord of death, and his name literally meant "summer end." Since winter is the season of cold, darkness and death, the Celts soon made the connection with human death. The eve of Samhain, Oct. 31, was the time of Celtic pagan sacrifice, and Samhain allowed the souls of the dead to return to their earthly homes that evening. Ghost, witches, goblins and elves came to harm people, particularly those who had inflicted harm on them in this life. Cats, too, were considered sacred because they had once been human beings who had been changed as a punishment for their evil deeds on this earth.
To protect themselves from marauding evil spirits on the eve of Samhain, the people extinguished their hearth fires, and the Druids (the priest spiritual teachers of the Celts) built a huge new year's bonfire of sacred oak branches. The Druids offered burnt sacrifices - crops, animals, even humans - and told fortunes of the coming year by examining the burned remains. People sometimes wore costumes of animal heads and skins. From this new fire, the home hearths were again ignited.
Particular ethic groups developed their own lore, which was merged with the celebration. In Ireland, people held a parade in honor of Muck Olla, a god. They followed a leader dressed in a white robe with a mask from the head of an animal and begged for food. (Ireland is also the source of the jack-o-lantern fable: A man named Jack was not able to enter heaven because of his miserliness, and he could not enter hell because he played practical jokes on the devil; so he was condemned to walk the earth with his lantern until judgment day.)
The Scots walked through fields and villages carrying torches and lit bonfires to ward off witches and other evil spirits.
In Wales, every person placed a marked stone in the huge bonfire. If a person's stone could not be found the next morning, he would die within a year.
Besides the Celtic traditions in place, the Roman conquest of Britain in A.D. 43 brought two other pagan feasts: Feralia was held in late October to honor the dead. Another autumn festival honored Pomona, the goddess of fruits and trees; probably through this festival, apples became associated with Halloween. Elements of these Roman celebrations were combined with the Celtic Samhain." source: catholicculture.org
Mismong Pari ng Katoliko na ang nagsasabi, na ang HALLOWEEN ay galing sa mga kaugaliang PAGANO. Ang mga tunay na Kristiyano kailanman ay hindi marapat na makiisa sa mga gawaing pagano.
ALL SAINTS DAYS
Ano ba ang All Saints Day?
"All Saints' Day, also known as All Hallows, Solemnity of All Saints, or Feast of All Saints is a solemnity celebrated on 1 November by the Catholic Church and various Protestant denominations, and on the first Sunday of Pentecost in Eastern Catholicism and Eastern Orthodoxy, in honour of all saints, known and unknown. The liturgical celebration begins at Vespers on the evening of 31 October and ends at the close of 1 November. It is thus the day before All Souls' Day." source: wikipedia
Kailan ba ito sinimulang ipagdiwang?
"By the late fourth century, this common feast was celebrated in Antioch, and Saint Ephrem the Syrian mentioned it in a sermon in 373. In the early centuries, this feast was celebrated in the Easter season, and the Eastern Churches, both Catholic and Orthodox, still celebrate it then. The current date of November 1 was instituted by Pope Gregory III (731-741), when he consecrated a chapel to all the martyrs in St. Peter Basilica in Rome and ordered an annual celebration. This celebration was originally confined to the diocese of Rome, but Pope Gregory IV (827-844) extended the feast to the entire Church and ordered it to be celebrated on November 1."
source: catholicism.about.com
Ang selebrasyon palang ito ay ginawa para sa mga SANTO, kilala man o hindi. Kaso tayong mga Pilipino nakasanayan na tawagin itong ARAW NG MGA PATAY, dito pa lang mali na. Hindi rin pala ito practice ng mga sinaunang Kristiyano, kasi nung 4th century lang ito nagpasimulang ipagdiwang, si Pope Gregory III ang nagpanukala na iselebrate ito ng Nobyembre 1 noong 8th century at pangkalahatan itong ipinagdiwang noon lamang 9th century sa utos ni Pope Gregory IV.
ALL SOULS DAY
Ano ang All Souls Day?
"All Souls' Day is a day of prayer for the dead, particularly but not exclusively one's relatives." source: wikipedia
"Some believe that the origin of All Souls Day in European folklore and folk belief are related to customs of ancestor veneration practised worldwide, through events such as the Chinese Ghost Festival, the Japanese Bon Festival. The Roman custom was that of the Lemuria.
The formal commemoration of the saints and martyrs (All Saint' Day) existed in the early Christian church since its legalization, and alongside that developed a day for commemoration of all the dead (All Souls' Day). The modern date of All Souls' Day was first popularized in the early eleventh century after Abbot Odilo established it as a day for the monks of Cluny and associated monasteries to pray for the soul in purgatory. However, it was only much later in the Medieval period, when Europeans began to mix the celebrations, that many traditions now associated with All Souls' Day are first recorded." source: wikipedia
Pati ang All Souls Day pala ay may koneksyon pa rin sa mga kaugaliang PAGANO. Pagkatapos ng third (3rd) century lang pala ito naimbento, ipinagdiriwang ito ngunit hindi pa tuwing Nobyembre 2, nagsimula itong ipagdiwang noong Nobyembre 2 after Medieval period, eleventh (11th) century onwards.
MGA DOKTRINA AT PANINIWALA NA WALA SA BIBLIA
Ayon sa paniniwala ng iba, ang kaluluwa daw at espiritu ay IISA LANG, totoo kaya ito?
Ito ang sagot ng Biblia:
"Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng Kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo." I Thess. 5:23
Ang katauhan pala natin ay binubuo ng tatlo (3): ESPIRITU, KALULUWA AT KATAWAN. Iba pala ang espiritu sa kaluluwa, di tulad ng kinasanayang paniniwala.
Tanong: Imortal ba ang kaluluwa na kapag namatay ang tao ay aalis ito sa katawang lupa at pupunta na sa purgatoryo, langit o impiyerno?
"Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay." Eze. 18:4
Hindi pala naman IMORTAL ang kaluluwa kundi namamatay ito ayon sa Biblia.
Sabi nga nila, 'yun nga, pagkamatay na pagkamatay daw ng tao ay diretso na ang kaluluwa nito sa langit kapag mabuti, pag masama sa impiyerno, kapag alanganing masama at mabuti sa PURGATORYO.
Totoo ba ang paniniwalang ito?
"and the dust returns to the earth as it was, and the spirit returns to God who gave it." Eccl. 12:7
Pagkamatay pala ng tao ang katawang lupa ay babalik sa pagiging alabok, ang ESPIRITU naman ay babalik sa Diyos na siyang nagbigay nito!
Ayon sa Biblia, ang kaluluwa ay kasama ng katawang lupa.
Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa." Awit 44:25
Kaya pagkamatay, ang katawang lupa at ang kaluluwa ay mamamatay na magkasama, at ang espiritu ay babalik sa Diyos. Hindi totoong hihiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa.
Ganito ang mababasa sa Gen. 3:19:
"...Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."
Ang tao ay galing sa alabok kung kaya babalik din siya sa pagiging alabok at tama ang Biblia sa pagsasabi nito.
Ang PURGATORYO
Ang tanong, meron naman ba talagang PURGATORYO?
Sa Biblia wala tayong mababasa na PURGATORYO magmula Genesis hanggang sa Apokalipsis. Saan nanggaling ang aral na ito?
"Medievalist Jacques Lee Goff defines the "birth of purgatory", i.e. the conception of purgatory as a physical place, rather than merely as a state, as occuring between 1170 and 1200." source: wikipedia
Ang PURGATORYO ay imbento lamang noong ika 12th century.
Tanong: Sa Araw ng Paghuhukom saan ba manggagaling ang mga patay? Sa purgatoryo?
Hayaan natin ang Biblia ang sumagot:
"Huwag ninyon ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol." Juan 5:28-29
Ang mga patay pala ay magsisilabas sa libingan. Walang sinasabi ang Biblia na manggagaling sila mula sa Purgatoryo.
At kahit hindi natin pagbatayan ang Biblia, isipin na lang, kung totoong pagkamatay ng tao ay diretso agad ang kaluluwa sa LANGIT, IMPIYERNO O PRUGATORYO, tanong, PARA SAAN PA ANG ARAW NG PAGHUHUKOM? Kung diretso na agad sa langit o impiyerno, bakit kailangan pang hatulan? Ibig bang sabihin kung nasa impiyerno kana may chance ka pang mapunta sa langit o kaya naman eh nasa langit ka na may chance pa ring mapunta sa impiyerno? Ang gulo naman nun?
Ang mga sinasapian, multo at zombie...
Maaaring itanong ng ilan, kung totoong namamatay ang kaluluwa at hindi gumagala-gala pa sa mundong ito, ano iyong napapanood natin sa TV na sinasapian, tapos meron pang nakikitang mga multo?
Hindi po totoo ang mga MULTO o mga kaluluwang pagala-gala na hindi daw matahimik. Pwede i-search sa Internet ang mga patotoo ng mga scientist at mga paliwanag ukol sa mga kwento ng mga tao na kung saan nakaramdam daw sila o nakakita ng multo. Ang Biblia ang dapat nating paniwalaan na ang kaluluwa ay namamatay at huwag sa mga kwento-kwento o sabi-sabi lamang.
Tanong: Kung nakakapanood tayo sa TV na sinasapian, ang sumasapi ba ay mga kaluluwa ng mga namatay?
Sagot: HINDI! Ang sumasapi sa mga tao ay ang MASAMANG ESPIRITU o ang mga demonyo at hindi ang mga kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay. Totoong may mga sinasapian, dahil may tala din sa Biblia na may mga taong sinapian ng mga masasamang espiritu o ng mga demonyo.
Narito ang isa sa ilang pangyayari na natala sa Biblia:
"Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakabangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon." Mateo 8:28
Eh ang mga zombie, kasama na ang multo, totoo ba ito?
Ito ang sabi ng Biblia:
"Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kaniyang katapusan, pagkalagot ng kaniyang hininga, saan naman kaya siya mapupunta? Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangon hanggang ang langit ay maparam." Job 14:10,12
Pag ang tao ayon sa Biblia ay namatay yun na ang katapusan Niya kaya ang patay ay HINDI NA BABANGON hanggang ang langit ay maparam.
Ang taong patay ay hindi na MAKAKABALIK SA MUNDO:
"Tulad ng ulap na napapadpad at naglalaho, kapag namatay ang tao, di na siya makakabalik sa mundo. Hindi na siya makakauwi kailanman, mga kakilala niya, siya'y malilimutan." Job 7:9-10
Kaya sinasabi natin na HUWAG PO TAYONG MATAKOT SA MGA MULTO AT ZOMBIE dahil hindi ito totoo. Muli, kung meron man tayong maririnig na mga kwento, hindi po ito kaluluwa ng mga namatay, kundi mga MASASAMANG ESPIRITU at MGA DEMONYO.
ANG PAGDARASAL SA MGA PATAY
Ngayon ang tanong, MAY KABULUHAN BA ang mga kaugaliang ito kung saan ipinagdarasal ang mga namayapa nang mahal sa buhay taon-taon para daw maialis sila sa purgatoryo?
"Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangangamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw." Eccl. 9:5-6
Wala pong kabuluhan kahit ipagdasal pa natin sila araw araw ng isang (1) buong taon dahil HINDI NA NALALAMAN NG PATAY ANG ANUMANG BAGAY, AT WALA NA SILANG ANUMANG BAHAGI SA ANUMANG BAGAY na nangyayari dito sa mundong ito. Sayang lang ang effort kung wala rin namang kabuluhan iyon, lalo na kung hindi rin naman makakatulong ang ating mga panalangin sa kanila.
Ang tao ay HUHUKUMAN base sa nagawa nila noong sila ay nabubuhay pa lamang. Kaya habang buhay pa tayo dapat gawin natin ang tama, alinsunod sa mga utos ng Diyos hanggang wakas.
"Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama." II Cor. 5:10
Hindi naman ipinagbabawal sa mga Iglesia Ni Cristo na gunitain at dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na, subali't hindi ITO isinasagawa sa panahon o katapat sa selebrasyon na GALING SA PAGANO.
Sabi ng Biblia:
"In particular, I want to urge you in the name of the lord, not to go on living the aimless kind of life that pagans live. Intellectually they are in the dark, and they are estranged from the life of God, without knowledge because they have shut their hearts to it." (Eph. 4:17-18, Jerusalem Bible).
Huwag daw tayong makitulad sa paraan ng pamumuhay ng mga PAGANO. Ito ang utos ng Diyos, kaya ang isang Iglesia Ni Cristo, ang sinusunod lamang ay ang mga kautusan ng Diyos.
http://iglesianicristoreadme.blogspot.com
No comments:
Post a Comment