BAKIT ANG TAMANG SALIN NG GAWA 20:28 AY IGLESIA NI CRISTO
GAYONG MAY MGA SALIN NG BIBLIA NA ANG BANGGIT AY IGLESIA NG DIYOS AT IGLESIA NG
PANGINOON?
Dahil
sa hindi mababasa sa Biblia ang pangalan ng Iglesiang kinabibilangan nila,
tinutuligsa ng mga tagapagtanggol ng IGLESIA KATOLIKA ang paggamit namin ng
terminong IGLESIA NI CRISTO sa Gawa 20:28 mula sa Bibliang isinalin ni George
M. Lamsa. Ganito ang nakasulat sa talata:
“Take
heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit
has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has
purchased with his blood.” [emphasis mine]
Dahil
sa hindi nila matutulan na ang terminong IGLESIA NI CRISTO ay mababasa sa
Biblia, ang kanila namang tinutuligsa ay ang salin ng Biblia na kinaroroonan
nito. Ayon naman sa mga taga ADD, kung wala raw ang Lamsa Translation ay wala
kaming magagamit na salin para patunayan na ang terminong IGLESIA NI CRISTO ay nasa
Biblia.
Ayon
sa tuligsa, ang LAMSA translation ay isang salin daw na kinukuwestiyon ng
maraming Protestante na iskolar ng Biblia. Dagdag pa nila, ang paniniwala ni
Lamsa sa Trinidad, at ang pagiging banal na tao ni Cristo ay salungat sa
pananampalatayang Cristiano. Sinabi pa nila na ang ganitong turo ni Lamsa ay
kahayagan na siya ay tagasunod ng Nestorianismo, isang grupong ang paniniwala
ay idineklara ng Iglesia Katolika na mali noong taong AD 431.
Una,
nais nating linawin na walang kinalaman ang relihiyon ni Dr. George M. Lamsa sa
pagsasalin niya ng Biblia. Ang pinagbatayan niya sa ginawa niyang pagsasalin ay
ang mga Eastern manuscripts o mga manuskritong Silanganin. Hindi rin totoo ang
bintang na kaya IGLESIA NI CRISTO ang nasa Gawa 20:28 ni Lamsa ay dahil
tagasunod siya o kaya’y naimpluwensiyahan ng Nestorianismo.
Dapat
nating tandaan na ang mga aral na itinataguyod ng mga kaanib sa IGLESIA NI
CRISTO ay kung ano ang aral na itinuturo ng Biblia. Halimbawa, kung
naninindiganan man kami na ang Ama ang iisang tunay na Diyos ay sapagkat ito
ang itinuro ni Cristo na nakasulat sa Juan 17:1-3. Kung itinuturo man namin na
si Cristo ay tao ay dahil sa ito ang itinuro Niya mismo na mababasa sa Juan
8:40. Samakatuwid, kung tinututulan nila ang mga aral na itinataguyod ng
IGLESIA NI CRISTO, ang tinututulan nila mismo ay ang mga aral na itinuro ng
ating Panginoong JesuCristo.
Ukol
sa Gawa 20:28, mali daw ang paggamit namin ng salin ni G. Lamsa sapagkat ang
nakararaming salin daw ng Gawa 20:28 ay “Iglesia ng Diyos” at hindi IGLESIA NI
CRISTO. Mali ang argumentong ito. Hindi ang batayan ng tamang salin ng talata
ay kung ano ang nakararami. Ang batayan natin kung alin ang tamang pagkakasalin
ng talata ay Biblia rin. At ang Biblia ay nagturo ng paraan ng pag-unawa sa mga
katotohanang nakasulat sa Biblia. Ganito ang itinuro ni Apostol Pablo sa 1
Corinto 2:13:
Na
ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo
ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang
mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
Mayroong
paliwanag si Dr. Lamsa kung bakit ang salin niya ng Gawa 20:28 ay IGLESIA NI
CRISTO. Ito ay mababasa natin sa aklat na New Testament Commentary, A. J.
Holman Company, Philadelphia, 1945, pp. 149-150:
The
Eastern text reads: The church of Christ which he has purchased with his blood.
Jewish Christians could not have used the term God, because in their eyes God
is a spirit, and spirit has no flesh and blood. It was Jesus of Nazareth who
shed his blood on the cross for us, and not God.”
(Filipino
translation)
Sa
mga tekstong Silanganin ay ganito ang mababasa: Ang Iglesia Ni Cristo na binili
niya ng kaniyang dugo. Ang mga Judiong Kristiyano ay hindi maaaring ginamit ang
terminong Diyos, sapagkat sa kanilang paningin, ang Diyos ay isang espiritu, at
ang isang espiritu ay walang laman at dugo. Si Jesus na taga Nazareth ang
nagbubo ng kaniyang dugo sa krus para sa atin, at hindi ang Diyos.
Pansinin
natin na walang sinasabi si Dr. Lamsa na siya ay tagasunod ni Nestorius na
isang obispong Katoliko sa Constantinopla noong Ika-5 siglo na itinakwil ng
IKAR dahil sa mahigpit niyang pagbatikos sa “Theotokos” (ibig sabihin ay “Ina
ng Diyos”) na titulong ibinigay kay Maria na ina ni Jesus. Walang kinalaman ang
paniniwala ng mga tinatawag na mga Nestorians sa ginawang pagsasalin ni Dr.
Lamsa ng Biblia mula sa mga Eastern manuscripts.
Ayon
kay Lamsa, hindi maaaring ang Diyos ang bumili sa Iglesia ng kaniyang dugo
sapagkat sa paningin ng mga Hudyong Kristiyano, ang Diyos ay isang espiritu, at
ang isang espiritu ay walang laman at dugo. Kaya maling salin ang IGLESIA NG
DIYOS kahit pa may mga saling Griyego na pinagkunan ng terminong ito. Ang
tamang salin ng Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO sapagkat si Cristo ang nagbubo
ng kaniyang dugo sa krus at hindi ang Diyos.
Dapat
din nating tandaan na hindi si Dr. Lamsa ang may-ari ng mga Eastern manuscripts
at lalong hindi rin ang mga Nestorian Christians dahil sa ang kanilang mga
hawak na manuscripts ay mga salin ng New Testament sa kanilang wika.
BAKIT
MALING SALIN ANG “IGLESIA NG DIYOS” SA GAWA 20:28?
Bakit
nanindigan si Lamsa na IGLESIA NI CRISTO ang tamang salin ng Gawa 20:28? Ang
sabi niya ay “sapagkat hindi naniniwala ang mga Hudyong Cristiano na ang Dios
ay may dugo.” Ang Diyos ay walang dugo sapagkat Siya ay espiritu. May katunayan
ba sa Biblia na ang mga Hudyong Cristiano ay naniniwala na ang Diyos ay isang
Espiritu? Mayroon. Iyan ay paniniwalang itinuro mismo sa kanila ni Cristo na
mababasa sa Juan 4:24:
Ang
Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang
magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
Ano
ang ibig sabihin na ang Diyos ay espiritu? Itinuro din ni Cristo sa Lukas
24:39:
Tingnan
ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako,
at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng
inyong nakikita na nasa akin.
Kung
ang tamang salin ng Gawa 20:28 ay “IGLESIA NI CRISTO,” bakit nagkaroon ng salin
na ito ay “Iglesia ng Diyos”? Hindi ba alam ni Dr. Lamsa na may mga manuscripts
na “Iglesia ng Diyos” ang nasa Gawa 20:28? Si Dr. Lamsa ang muli nating
pasagutin sa kaniyang aklat na “NEW TESTAMENT ORIGIN” p. 93
The
Eastern text reads, ‘The Church of Christ which he has purchased with his
blood.’ During the apostolic age, Jesus was called ‘Our Lord, or Christ.’ The
apostles being Semites, could not have thought of God as having blood.
Ang
mga apostol ay hindi maaaring nagkaroon ng paniniwala na ang Diyos ay may dugo.
Sino ang may dugo na ipinangtubos sa Iglesia? Si Cristo, ayon sa 1 Pedro
1:18-19:
18
Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak
o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa
inyong mga magulang; 19 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang
kapintasan at walang dungis, sa makatuwid bagay ang dugo ni Cristo.
Pinatutunayan
ni Apostol Pedro na ang may dugo na siyang tumubos sa Iglesia ay si Cristo.
Hindi ito doktrina na inimbento lamang ng mga apostol dahil sa sila’y lahing
Judio kundi ito ang itinuro sa kanila ni Cristo tulad ng pinatunayan sa atin na
nakasulat sa Juan 4:24 at Lukas 24:39.
Kaya
suriin natin uli ang Gawa 20:28. Ayon sa talatang ito, ang Iglesia ay binili o
tinubos “NIYA” ng kaniyang sariling dugo. Kanino tumutukoy ang salitang NIYA?
Sa Diyos ba o kay Cristo? Sa 1 Pedro 1:18-19 ay ganito ang sinasabi:
18
Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak
o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa
inyong mga magulang; 19 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang
kapintasan at walang dungis, sa makatuwid bagay ang dugo ni Cristo:
Kaya
hindi maaaring ang Diyos ang tinutukoy ng salitang NIYA sapagkat ang Diyos ay
Espiritu, walang laman at mga buto kaya wala Siyang dugo ayon sa Juan 4:24 at
Lucas 24:39.
Ano
pa ang katibayan sa Biblia na ang tumubos sa Iglesia sa pamamagitan ng Kaniyang
dugo ay ang Panginoong JesuCristo? Ganito naman ang itinuro ng isa pang
Apostol, si Apostol Pablo sa Efeso 5:25:
25
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig
sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
Tinitindigan
ni Apostol Pablo na si Cristo ang nagbigay ng Kaniyang buhay para sa Iglesia.
Kaya ang isinulat niya sa Gawa 20:28 ay IGLESIA NI CRISTO.
BAKIT
MAY MGA SALIN NA “IGLESIA NG PANGINOON” AT “IGLESIA NG DIYOS” SA MGA
MANUSKRITONG GRIYEGO?
Si
Dr. Lamsa ang muli nating pasagutin sa kaniyang aklat na “NEW TESTAMENT ORIGIN”
p. 93
Edtah
da mashikha, ‘the Church of Christ ‘in Acts 20:28, is changed to Ekklesian tou
Theou, ‘the Church of God.’ It reads, ‘The Church of God, which he has
purchased with his own blood.’ The Eastern text reads, ‘The Church of Christ
which he has purchased with his blood.’
Ayon
kay Dr. Bruce Metzger, isang textual critic sa United States, ay pinalitan ng
ilang mga tagakopya ang mga termino sa Gawa 20:28:
It
is possible, therefore, that a scribe, finding theou in his exemplar, was
influenced by Old Testament usage and altered it to kuriou. On the other hand,
it is also possible that a scribe, influenced by Pauline usage, changed kuriou
of his exemplar to theou (Metzger, Bruce, The Text of the New Testament, 3rd
Enlarged Edition, Oxford University Press, New York (1992), p. 235).
Ayon
kay Dr. Metzger, may posibilidad na ang mga eskriba (mga taong kumopya ng
manuskrito) na ang “ Iglesia ng Diyos” ay pinalitan ng “ Iglesia ng Panginoon.”
Sa kabilang dako, maaari din na ang isang eskriba na naimpluwensiyahan ng
pagkakagamit ni Pablo [ng terminong Iglesia ng Diyos] ay pinalitan ang “
Iglesia ng Panginoon” ng “ Iglesia ng Diyos.”
UKOL
SA MGA ORIGINAL GREEK TEXTS NG NEW TESTAMENT
Isa
ring katotohanan na wala na tayong makikita na mga ORIGINAL TEXTS ng Greek New
Testament. Sa kasalukuyan, ang mga pinakalumang kopya ng biblical manuscripts
na matatagpuan ang Gawa 20:28 ay mga nakopya noong 4th and 5th centuries gaya
na Codex Sinaitucus, Codex Vaticanus at Codex Alexandrinus. Makikita rin sa
British Museum ang kopya ng mga Aramaic manuscripts ng New Testament na nakopya
noong 5th century pataas.
MAHALAGA
BA SA PAGSUSURI NG MGA TALATA NG BIBLIA ANG MGA EASTERN MANUSCRIPTS (ARAMAIC)
NA DITO AY MATATAGPUAN ANG TERMINONG “IGLESIA NI CRISTO” SA GAWA 20:28?
The
Syriac manuscripts are of great value to the biblical exegete in view of their
origin in the second and third centuries. As for other questions, however, such
as whether or not a given phrase or sentence was present in the Greek exemplar
from which the translation was made, the evidence of the versions is clear and
valuable (Metzger, Bruce, The Text of the New Testament, its Transmission,
Corruption and Restoration, Oxford University Press, NY, 1992, p. 67, 68).
The
great value of this translation depends on its high antiquity, competence and
fidelity of the translators, and on the near affinity of its language to that
spoken by our Lord and his Apostles. In all these respects it stands
pre-eminent among the numerous versions of the New Testament. [Murdock, James,
The New Testament, A Literal Translation from the Syriac Peshito Version,
Robert Carter & Brothers, NY (1851), p. 497].
SA
SALIN LANG BA NI DR. LAMSA MABABASA ANG TERMINONG “IGLESIA NI CRISTO” SA GAWA
20:28?
Hindi,
marami pang salin ng Biblia na matatagpuan ang terminong IGLESIA NI CRISTO. Ang
ilan sa kanila ay:
(1)
MS Syriac 4, a manuscript copy of the New Testament in Ancient Syriac, written
in Estrangela script. It was found in an ancient church in the Assyrian
mountains. Presented to Dr. Grant, missionary to the Nestorians, by Mar Shimon,
the Nestorian Patriarch.
(2)
AH MS 325 (formerly known as AH Syr 1, or And. Access 51950, Clemens 175) was
acquired in 1901 from the Hall Collection as a gift, through Moore and Taylor.
The date is December 20, 1898. Written in Estrangelo, was partial Nestorian
pointing, 12th century.
(3)
Novum Testamentum Syriace, written in Western text, an edition by Aegidio
Gutbirio, SS. Th.D., Hamburg, dated 1663, 17th century.
(4)
Peshitta Aramaic Text with a Hebrew Translation. Edited by The Aramaic
Scriptures Research Society in Israel, The Bible Society, Jerusalem 1986.
(5)
Dr. John Wesley Etheridge’s translation, The Apostolical Acts and Epistles,
from the Peschito, or Ancient Syriac, 1849 edition:
“Take
heed therefore to yourselves, and to the whole flock, over which the Spirit of
Holiness hath constituted you the bishops; to pasture the church of the Meshiha
which he hath purchased with his blood.”
(6)
The ARAMAIC BIBLE: Disciples NEW TESTAMENT, from the Aramaic, Translated by
Victor Alexander, 1999.
Kaya
isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng mga tagapagtanggol ng ADD na
kung wala ang Lamsa Translation ay wala kaming magagamit na batayan sa
pagtuturo na ang IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng Iglesiang binili o tinubos
ni Cristo ng Kaniyang dugo.
Huwag
nating kalilimutan na ang mga pangalan ng Iglesiang kinabibilangan ng mga
tumutuligsa sa amin ay wala sa Biblia! Walang mababasa sa Biblia na IGLESIA
KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA gayundin ang ANG DATING DAAN na ngayon ay tinatawag
ding Members Church of God International.
Kahit
anong version o translation ng Biblia ay wala tayong mababasang ganitong mga
termino. Ang pinakamabuti nilang magagawa, sa halip na tuligsain ang tamang
aral, ay pumasok sa tunay na Iglesiang nakasulat sa Biblia na ito nga ang
IGLESIA NI CRISTO upang sila ay maligtas.
Sa
mga nagnanais na magpatuloy na pagsusuri sa IGLESIA NI CRISTO, maaari kayong
makipag-ugnay sa pinakamalapit na bahay-sambahan sa inyong dako o di kaya ay
mag-register sa incmedia.org. Salamat ng marami.
Joe Ventilacion's post on Facebook.
Related posts: Acts 20:28 Paglilinaw
No comments:
Post a Comment